Anna: Dumating na ang araw!
Dumating na ang araw!
Bukas ang bintana at pinto
Kelan ba huling nangyari to?
Biruin mo? Walong libong plato!
Kung palasyo'y walang laman,
Para san pa ang bulwagan?
Sa wakas, ngayon ito ay bubuksan!
Ako'y makikihalubilo
Sa ibang mga tao.
Handang handa ako sa pagbagong 'to!
Dahil sa unang pagkakataon
Mayrong musika't liwanag
At sa unang pagkakataon
Sasayaw nang magdamag
Hindi mapakali ang damdamin
Ano ba 'tong nadarama?
Dahil sa unang pagkakataon,
Di mag-iisa!
Parating na silang lahat dito!
Makilala ko na kaya... Siya?
Ngayong gabi sa Rigodon,
Suot na ang saya at barong,
Mangigibabaw ang kagandahan...ay.
Bigla na lang makikita ko
Isang maginoong kay guwapo
Ang tsokalate'y di maiwasan
Magdamag na mag-uusap
At magtatawanan pa
Kay bago ng aking nadarama!
At sa unang pagkakataon,
Mayrong mahika't saya
At sa unang pagkakataon
Sana ako'y mapansin na.
At kahit mababaw ang pangarap
Na mahanap ang sinta
Ito ang unang pagkakataong
Ako'y may pag-asa!
Elsa: Ilihim mo
Wag ipaalam
Maging mabuting halimbawa ka
Dapat
Ika'y
Magkunwari
At wag na wag kang
Magkakamali
Elsa: Dumating na ang araw
Anna: Dumating na ang araw
Elsa: Di na mapigilan
Anna: Di na mapipigilan
Elsa: Utos ko'y ang bakod ay buksan!
Anna: Buksan!
Anna: At sa unang pagkakataon
Elsa: Ilihim mo, itago mo
Anna: Matutupad ang pangarap
Elsa: Maging mabuting halimbawa ka
Anna: Pag-asang makahanap ng
Elsa: Ilihim mo
Anna: Pag-ibig na ganap
Elsa: Ilihim mo, wap ipakita
Anna: At hindi na to mauulit
Kaya dapat ngayon na!
Dahil sa unang pagkakataon,
Ito'y unang pagkakataong
Wala nang hahadlang!