current location : Lyricf.com
/
Songs
/
You Belong With Me [Filipino/Tagalog translation]
You Belong With Me [Filipino/Tagalog translation]
turnover time:2024-04-30 02:48:25
You Belong With Me [Filipino/Tagalog translation]

Ika'y nasa linya kausap ang iyong kasintahan, ngunit siya'y nalulumbay

Mayroon kang sinabi na nais niyang balikan

Sapagkat hindi niya magawang makipagkatuwaan, tulad ng nagagawa ko

Martes ng gabi, ako'y nasa aking kwarto

Aking pinakikinggan ang isang musikang hindi niya gusto

At kailanman ay hindi niya malalaman ang tunay mong kalagayan, kagaya ng napapagalam ko

Ngunit siya ay nagsusuot ng maikling palda

Ako nama'y mga tisyort

Ipinagsasaya niya ang mga kapitan

Ako nama'y nasa bankuan lang

Ako'y nangangarap na darating ang araw na kapag ikaw ay nagising

Mapapagtanto mo na nandito lamang ang iyong ninanais

Kung makikita mo lamang na ako ang nakakaintindi sa iyo

Nandito lamang ako ngunit bakit hindi mo ako napapansin

Ika'y sa akin lamang

Ika'y sa akin lamang

Habang nasa daan, ako'y nagmumuni-muni

Hindi ko inakalang ganito ang mangyayari

Nakaupo tayo't nagtatawanan

Napapagisip ko na hindi ito madali

At ang iyong ngiti ay nagliliwanag

Ngayon ko muling nasilayan ang iyong ngiti, mula ng ikaw ay kanyang saktan

Sabi mo ika'y ayos lang ngunit alam kong mas may ibubuti ka pa

Hoy! Bakit ka pa nagtitiis sa ganyang uri ng babae?

Suot niya ay sapatos na mataas ang takong

Suot ko'y tsinelas lang

Ipinagsasaya niya ang mga kapitan

Ako nama'y nasa bankuan lang

Ako'y nangangarap na darating ang araw na kapag ikaw ay nagising

Mapapagtanto mo na nandito lamang ang iyong ninanais

Kung makikita mo lamang na ako ang mas makakaintindi sa iyo

Ako'y naririto lagi, mula pa noon

Ngunit bakit hindi mo napapansin?

Para sa akin ka lamang

Naghihintay ako sayo, sa labas ng iyong pintuan

Simula pa noon, bakit hindi mo napapansin aking sinta?

Ika'y sa akin lamang

Ika'y sa akin lamang

Oh, naaalala ko noong ika'y dumadaan sa akin bahay

Sa kailaliman ng gabi, ako ang nagpapatawa sa iyo

'Pag ika'y iiyak na, at alam ko ang mga paborito mong kanta

Sinasabi mo rin sa akin ang mga pangarap mo

Sa tingin ko'y sa akin ka lamang

At alam kong sa piling ko lamang

Bakit hindi mo napapansin na ako ang nakakaintindi sa iyo

Nandito lang ako, ngunit bakit hindi mo pansin?

Ika'y sa akin lamang

Naghihintay ako sayo, sa labas ng iyong pintuan

Simula pa noon, bakit hindi mo napapansin aking sinta?

Ika'y sa akin lamang

Ika'y sa akin lamang

Ika'y sa akin lamang

Ni minsan ba'y iyong naisip na..

Ika'y sa akin lamang

Ika'y sa akin lamang

Comments
Welcome to Lyricf comments! Please keep conversations courteous and on-topic. To fosterproductive and respectful conversations, you may see comments from our Community Managers.
Sign up to post
Sort by
Show More Comments
Taylor Swift
  • country:United States
  • Languages:English
  • Genre:Country music, Electropop, Pop, Pop-Folk
  • Official site:http://www.taylorswift.com/
  • Wiki:http://en.wikipedia.org/wiki/Taylor_Swift
Taylor Swift
Latest update
Copyright 2023-2024 - www.lyricf.com All Rights Reserved