Larawan ng nakaraan,
sa isipa'y aninag.
At heleng inawit niya
sa Disyembreng lumipas.
Yakap niyang aking lugod,
sa ilalim ng pilak na bagyo.
Mga aninong sumasayaw
sa pagbalik-tanaw...
Yakap niyang aking lugod,
sa ilalim ng pilak na bagyo.
Mga aninong sumasayaw
sa pagbalik-tanaw...
Ang hangad ko'y matanto,
diwa ng talinghaga.
Puso ay sumasamo.
Ibalik na ang alaala
Ng heleng inawit niya
sa Disyembreng lumipas...