Ang kakatwa sa mga ilog ay
Hindi mo na ulit matatawid
ang parehong ilog na iyong dinaanan.
ang tubig ay dumadaloy at laging nagpapalit
Tulad sa mga taong makikilala
Magbakasakali ka...
Malay mo isa sa kanila...
Subukan mo...
Baka nasa tabi mo lang...
Malapit na...
Ang inilaan sa'yo
O ang nais mo.
Ang pinapangarap mo, baka abot kamay mo na...
Baka...
.. padating na siya...
Ano ba 'tong nadarama
Babalewalain ko ba?
Bakit kakaiba ang pintig ng puso?
Dapat bang magbaka-sakali o dun lamang sa tiyak?
Ano bang meron sa gawi pa doon ng ilog?
May maaasahan ba?
Panaginip lamang ba siya?
Subukan mo...
Baka sakali lang naman.. malapit na...
Siya na nga kaya.. para sa'yo..
O bakit ba kaygulo damdami'y nalilito...
Isip ay nagugulo...
Dapat ba ang pinili ko...
Ay yun lang sigurado?
Paano kung ang puso'y...
patuloy na nangangarap...?
makipagsayaw sa tadhana, hanapin siya...
Sa dako pa roon ng ilog...