current location : Lyricf.com
/
Songs
/
Thinking Out Loud [Filipino/Tagalog translation]
Thinking Out Loud [Filipino/Tagalog translation]
turnover time:2024-04-29 04:07:50
Thinking Out Loud [Filipino/Tagalog translation]

'Di ka na makalakad na gaya noon

Kaya't tayo'y 'di na magkalapit

Natitikman mo pa ang pag-ibig ko?

Ang mukha mo pa ba'y may ngiti?

Mahal kita kahit ang edad nati'y 70

Ang puso ko'y sintatag ng may edad na 23

At naisip ko kung bakit mahiwaga ang pagmamahal

Kahit na itoy simple lang

Ako nga'y nahulog sa'yo nang ganiyan

Sana'y 'yong nararamdaman

O giliw ko

Nais ko na mayakap ka

Hagkan mo ako sa ngalan ng mga tala

Pintig ng puso ko'y pakinggan

Sigaw ng isip ko,

Baka iniibig nga kita.

'Pag ako'y matanda na't nanghihina na

'Pag ako'y limot na nila

'Pag 'di na ako makasabay sa 'yong saya

Alam kong ako'y mahal mo pa.

Aking mahal, ang iyong ganda ay nagtatagal

Ang 'yong ngiti 'di mawawala sa 'king alaala

At naisip ko kung bakit mahiwaga ang pagmamahal

Baka nga ganun talaga

Kaya pala ako'y laging may sala

Ako sana ay pagbigyan.

O giliw ko

Nais ko na mayakap ka

Hagkan mo ako sa ngalan ng mga tala

Pintig ng puso ko'y pakinggan

Sigaw ng isip ko,

Baka iniibig nga kita.

La, la, la, la, la, la, la, la, la

O giliw ko

Nais ko na mayakap ka

Hagkan mo ako sa ngalan ng mga tala

Pintig ng puso ko'y pakinggan

Sigaw ng isip ko,

Baka iniibig nga kita.

Baka iniibig nga kita.

Mahal na mahal kita.

Comments
Welcome to Lyricf comments! Please keep conversations courteous and on-topic. To fosterproductive and respectful conversations, you may see comments from our Community Managers.
Sign up to post
Sort by
Show More Comments
Ed Sheeran
  • country:United Kingdom
  • Languages:English, Spanish, Gaelic (Irish Gaelic), Italian+2 more, Korean, Russian
  • Genre:Alternative, Folk, Pop, Pop-Folk, R&B/Soul, Singer-songwriter
  • Official site:http://edsheeran.com
  • Wiki:https://en.wikipedia.org/wiki/Ed_Sheeran
Ed Sheeran
Latest update
Copyright 2023-2024 - www.lyricf.com All Rights Reserved