current location : Lyricf.com
/
/
Bahaghari
Bahaghari
turnover time:2024-06-02 15:28:13
Bahaghari

Kahit na gaano pa kadilim

Ang hating gabi lilipas din

Laging tumingala at iyong tanawin

Pag-asa ay sing dami ng mga bituin

Kapag umulan at bumaha

Malalim man ay humuhupa

Iipunin ang kulay ng kahapon ko

Para sa bahaghari mo

Bawat oras na lumilipas

Laging hanap ka

Parang tumakas sa mga rehas

Upang mayakap ang

Mga alaala natin aking bubuhayin

Upang makapiling ko

Pangako ay malalim

Di sukat akalaing

Tayo’y magkakaganito

Kahit na gaano pa kadilim

Ang hating gabi lilipas din

Laging tumingala at iyong tanawin

Pag-asa ay sing dami ng mga bituin

Kapag umulan at bumaha

Malalim man ay humuhupa

Iipunin ang kulay ng kahapon ko

Para sa bahaghari mo

Kahit marami ang pagkakasala

Yakap yakap mula sa gabi hanggang sa umaga

Kalayaan natin na tinatamasa

Kumpara sa mga nasabi na siyang nagpapaasa

Bigla na lang may masamang hangin na nagmula sa

Malayong lupa hindi humupa parang gawa sa

Maliit na bubog at pinong-pino tila hinasa

Kutsilyong tumutusok bakit ang bilis ipasa

Kung kanino at kahit na sino

Sa gitna ng kadiliman hanapin mo ang anino

Teka sinong may dala sige nga dalhin mo dito

Kapag meron kang nakita heto hipan mo ang pito

Pero di kaya natin nakakalimutan na

Wala sa’tin ang kalaban akayin ang isa’t-isa

Pataas hindi pababa huwag mabalisa

May kasama ka hanggang dulo mula sa umpisa

Kahit na gaano pa kadilim

Ang hating gabi lilipas din

Laging tumingala at iyong tanawin

Pag-asa ay sing dami ng mga bituin

Kapag umulan at bumaha

Malalim man ay humuhupa

Iipunin ang kulay ng kahapon ko

Para sa bahaghari mo

Kahit na gaano pa kadilim

Ang hating gabi lilipas din

Laging tumingala at iyong tanawin

Pag-asa ay sing dami ng mga bituin

Comments
Welcome to Lyricf comments! Please keep conversations courteous and on-topic. To fosterproductive and respectful conversations, you may see comments from our Community Managers.
Sign up to post
Sort by
Show More Comments
Julie Anne San Jose
  • country:Philippines
  • Languages:English, Filipino/Tagalog
  • Genre:Pop
Julie Anne San Jose
Copyright 2023-2024 - www.lyricf.com All Rights Reserved