Naririnig ka,
Ngunit 'di magpapatinag
Ako'y hihindi
Oh, kay raming bagay
na maaring pansinin,
bukod sa bulong mong
tangayin na sana ng hangin..
Oh..
Ang iyong bulong
walang puwang sa pandinig,
Kung marinig ma'y (hindi)
Walang tugon sayong darating
Lahat ng minamahal ko'y
nandirito na,
Patawad, ang pakinggan ka'y
'di na kailangan pa
Sapat na ang lahat ng
pakikipagsapalaran,
Nangangambang sumugal
kapag sinundan ka
tungo sa kawalan
tungo sa kawalan
tungo sa kawalan...
Oh, bakit ba
'di patulugin sa gabi,
Ikaw ba'y nag-aabang
na ako'y magkamali,
O sadyang ikaw lang
ay isang katulad kong
Batid na 'di ito ang
mundong para sa iyo
Araw ay lumilipas
mahika'y lumalakas,
Hindi mo ba alam
nais ka ring sundan
tungo sa kawalan
tungo sa kawalan
tungo sa kawalan...
Whoah..
Nasaan na?
Nariyan ba?
Iparamdam..
Ipakita..
Whoah...
Sa'n pupunta?
Huwag iwang mag-isa
Paano ka susundan
tungo sa kawalan...