Parating sakin ang isang daluyong
Hampas ng alo y lumalamon
Saki'y pumipigil na magsalita
Tinig walang masambitla
Ngunit pagiyak hindi mo maririnig
Mula sa akin, ako ma'y alipustahin
Pananahimik
Bagay na hindi ko gagawin
Di matatakot sabihin
'Di ako taong walang imik
Ako'y lalaban
Kung ako'y pipigilan
Huwag kayong mapalilinlang 'di ako ang nananahimik
Nakaukit sa ating mga kasulatan
Bahagi na ng kasaysayan
"H'wag kang lalayo laging manahimik"
Ito'y hanggang dito nalang
Dahil...
Di na dapat pang matakot
Kaya ako ma'y subukang kutyain
Pananahimik
Bagay na 'di ko gagawin
Di matatakot na sabihin
'Di ako taong walang imik
Walang imik!
Bumagyo man
Hindi to sapat na dahilan
Para ako'y mapigilan
Paniniwala'y ipaglalaban
Ako ma'y bihagin mo
Hindi ako palulugmok
Sinirang mga pakpak
Liliparin alapaap
Sana ay 'yong matanggap
Ako'y lalaban
Naisin mo mang ako'y makitang sugatan
'Di ako taong walang imik
Walang imik!
Lalaban
Kung ako man ay pipigilan
Huwag kayong palilinlang
'Di ako mananahimik
Di ako tulad ng taong
Walang imik!