Narinig kita
Pero tama na
Ang iba'y gusto ang gulo
Ang iba'y ayaw nito
Napakaraming dahilan upang ituloy ang araw ko
At ayokong pansinin sana'y bulong mo'y maglaho
Hindi ka tinig!
Na aking naririnig
Sakaling marinig kita
(pero hindi)
Ako ay nangangamba
Lahat ng aking minamahal
ay nasa tabi ko
Pagtawag mo'y lubayan ako
Patawarin mo ako
Ayoko na muli pang makipagsapalaran!
Ako'y nangangamba sa panganib pag
Susundan kita!
Sa kawalan!
Sa kawalan!
Doon sa kawalan!
Di makatulog..
Ano bang kailangan mo?
Ikaw ay nanggugulo
Upang magkamali ako
O ikaw ba ay katulad ko
na alam ang totoo?
Na ako'y hindi itinakda
sa mga bagay na'to?
Habang araw ay lumilipas
kapangyariha'y lumalakas!
Alam mo ba na gusto ko nang
Makapunta!
Sa kawalan!
Sa kawalan!
Doon sa kawalan!
O ako ba
ay batid mo?
ramdam mo'ko?
Ihayag mo!!
Huwag akong iiwang mag-isa!
Paano ba'ng sundan ka?
SA KAWALAN!!